THE SOCIAL MOVEMENTS AND THE CURRENT NATIONAL POLITICAL SCENE: Huling reporting

Umikot ang buong talakayan sa People Power II, kay Erap at kay Gloria. Nang maupo si Erap bilang pangulo, nadawit ang pangalan niya sa iba’t ibang isyu ng korapsyon hanggang sa humantong na sa kanyang pagkatalsik pababa sa pwesto sa pamamagitan ng People Power II. Nagtipon-tipon ulit ang mga Pinoy sa EDSA. Matapos noon ay naupo na si VP-turned-President na si Arroyo at nare-elect pa nga siya noong 2004, kaya naging pangulo siya for the total of TEN LONG YEARS at kahit TEN LONG YEARS ang tinagal niya, hindi pa rin niya nasolusyonan ang mga duming iniwan ni Erap.

Ano ang nararamdaman ko?

Una, hindi ko maintindihan ang mga botante. Nakulong na lahat-lahat ang isang opisyal pero kapag tumakbo sa eleksyon, iboboto pa rin. Dahil ba sa magaling siyang aktor?

Pangalawa, bakit ang isang nakulong na lahat-lahat na opisyal ay nilalagay ulit sa pwesto ng isang Pangulo? Ang weirdo no? Noon naka-neck brace pa siya with matching wheelchair, ngayon nandon sa Congress!

Social Movements

Madalas lang silang tinitingnan na sagabal sa daan, dulot ng traffic, war freak. Pero napakalaking tulong nila sa bansa. Sila ang nagsisilbing boses ng mga nagbubulag-bulagan.

Naalala ko lang, sa mga nagsasabing ang mga estudyante sa State U ay hindi lang talaga bulag kaya sila nagrarally at hindi kayo ang nagpapaaral sa kanila, ang pera ng bayan mismo.

 

 

 

Advertisements

“Transformative Education” ni Antonio Tujan Jr.: Report ng Group namin

Hindi ako fan ng Transformers series, hindi ko kasi makilala sa kanila kung sino ang bida sa kontrabida kasi puro bakal lang ang nakikita ko. Skl.

Naalala ko lang, dati, sinubukan kong gumawa ng argumento na nagsasabing mali ang dahilan ng mga mag-aaral sa kung bakit sila nag-aaral…

Sabi ko, mali kasing dahilan ang makahanap ng magandang trabaho para mag-aral ka. Sabi ko rin, mali na sabihing nag-aaral ka para magkaroon ng magandang bukas. Ano ba kasi ang depinisyon ng “magandang bukas?” Naniniwala kasi akong ang mga dahilan natin mag-aral ay secretly tinuturo lang sa atin ng paaralan mismo.

 

Buod ng Teksto (galing sa outline ng group namin)

After Marcos’ dictatorship, many analyses, goals and aspirations, strategies and pedagogy of basic education have been developed by progressive educators as their response on martial law.

Education is a requisite for a person to be trained as a productive member of society.

Education is the institution that fulfills the social responsibility of preparing the future generations of any modern society.

Education is a requisite for a person to be trained as a productive member of society.

Education is the institution that fulfills the social responsibility of preparing the future generations of any modern society.

TRANSFORMATIVE EDUCATION

  • Transformative education is transformative.
  • The educator recognizes his or her capacity not only to start changing the Philippine education system but also to mold his or her students into conscious, active citizens who consciously aspire for a democratic and modern Philippines and will actively work for it.

TRANSFORMED TEACHING

A comprehensive and integrative curriculum would require a radical shift in the syllabus

  • Pays attention to various areas of learning and give shape to a whole learning process.
  • Plans according to year levels subject areas and school-level must be creatively integrated with the student uppermost in our minds.

FINAL ANALYSIS

It is the teacher who has a stake in transformative education. The enlightened, committed teachers find their fulfilment in transforming education and using its resources in the process of transforming society.

Pero may sinabi si Sir…

Siya na mismong alam kung ano ang mga pagkukulang ng education system ngayon, hindi niya naisasagawa ang Transformative education… alam niyo ba kung bakit? Napakaraming estudyante! Kahit na gusto niyang tutukan ang bawat isa, paano niya magagawa iyon??? Magkaroon ng Transformation Magic Replicate ala Grey ng “Black Clover?”

Naisip kong…

Napakahirap talagang magkaroon ng Transformative education. Kasi hindi naman lahat ng estudyante gusto talagang maging kapaki-pakinabang. Hindi naman lahat ng guro ay handa, ni ang DepEd nga mismo ay hindi handa eh.

 

 

 

Kung gayon, Ano ang para sa Kanilang Nasa Laylayan?

Sa katunayan ay nararamdaman ko ngayon na walang para sa kanila.

Ang mga sumusulat ng kuwento ay para sa mayaman na bibili ng kwento nila. Ang mga gumagawa ng pelikula ay para sa mga taong kayang bumili ng pelikula nila. Paano naman ang mga mahihirap?

Nararamdaman kong mas maswerte lang ako sa kanila ng konti para malaman ang ganitong mga paksa. Kasi, sila, mas uunahin nilang humanap ng paraan para may mailaman sa tiyan bago humanap ng oras para magbasa (kung marunong man sila magbasa).

Nakaraang summer, nahilig akong magpuyat at manood ng IWitness sa bahay. Ilang episode ang napanood na nagpapatungkol sa mga batang sangkaterbang hirap ang dinadanas para lang makapag-aral pero alam ko na sa lahat ng naghihirap, iilan lang silang nagkaroon pa ng pag-asang ang edukasyon ang makapag-aahon sa kanila.

Sa tekstong, “LITERATURA NG URING ANAKPAWIS” ni Rogelio Ordonez, binanggit niya si Nadine Gordimer na naniniwalang ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos at si Mike Gold na nangangarap na ang mga anakpawis naman ay matututong gamitin ang sining upang ipaglaban ang karapatan nila.

Nabanggit din sa teksto (na siya ring aking pinaniniwalaan) na ang mga palabas ngayon sa TV at pelikula ay literal na mga palabas, pinalalabas na ang ganda-ganda ng mundo ngunit sa katunayan ay itinatago lang nito ang katotohanang sobrang aping-api na ang mga mahihirap.

Noong dekada 50’s-80’s ay unti-unting umusbong ang mga manunulat na tumalakay sa kahirapan ng buhay ng mga mahihirap. Ngunit, ngayon, ewan ko lang kung may tulad pa ba nila.

May mga naiisip akong dahilan kung bakit, kung may mga manunulat man para sa mga anakpawis, ay hindi naman ito nakararating:

  1. Mahal ang mga libro etc. – ako nga sa Booksale ay nahihirapan pa rin akong makabili dahil namamahalan pa rin ako, sila pa kaya?
  2. Mas uunahing magtrabaho – yung iuupo nila at pagbabasa ay maghahanap na lang sila ng makakain.
  3. Kakulangan ng kaalaman – paano kung ni hindi man lamang sila nakatungtong sa paaralan???
  4. Mas gusto nilang sumaya – karamihan sa kanila ay manonood na lang mga teleserye kasi iyon yung magiging escape nila sa realidad ng buhay.

*sarili kong mga suhestyon yan, na maaring naapektuhan ng talakayan.

Ang kahulugan nito ay hanggang ang umiiral pa rin ay kapitalismo ay wala pa ring para sa kanila at kung mayroon man ay hindi naman handang tanggapin/ ayaw nilang tanggapin/ hindi nila natatanggap/ hindi nila naiintindihan.

 

Bastos ang mga Pinoy?

Nang mabasa ko ang pamagat ng teksto na ito, akala ko ang tatalakayin ay ang “bastos” na maituturing na ugali ng mga kabataan ngayon. Ilan sa halimbawa nito ay ang hindi na pagmamano sa matatanda o di kaya naman ay hindi na pagsasabi ng po at opo. Naisip ko rin na baka ang tinutukoy na bastos ay ang pagsusuot na ng medyo “liberated” na damit ng iilan. Kaya nga nagulat ako na patungkol pala sa patriyarka ang teksto ni Isagani R. Cruz na “Ang Kabastusan ng mga Pilipino.”

Sa totoo lang ay nakikita ko na ang punto talaga ng tekstong ito ay ang nakakabastos na pagtingin sa kababaihan dahil sa patriarka. Napaisip tuloy ako, paano kung noong bago pa dumating sina Magellan ako nabuhay, ano kaya ang mararamdaman ko? Ganito kaya ako mag-isip? Eh paano kung noong panahon ng Kastila, tulad din kaya ako ni Maria Clara? Donya Victorina? Sisa? Magpapalamon ba ako sa patriarka?

Paano naging bastos ang mga Pilipino?

Nagbigay ng halimbawa si Isagani Cruz ng mga komiks na nagpapakita ng patriarka.

  1. Regalo (Love Song Komiks Magasin, 1998) – nagpapakita na maaring gawing regalo ang mga babae sa lalaki at ang lalaki lamang ang kayang mag-ayos ng buhay ng mga babae.
  2. Moral Values (Universal Komiks Magasin, 1988) – hindi makakahanap ng tunay na pag-ibig ng isang liberated na babae.
  3. A Man’s Pride (Memories Komiks Magasin, 1988) – kahit na nababastos at naaabuso na ang babae, basta’t sinabi ng lalaki na mahal niya ito, kailangan niyang magtiis.
  4. Marunong bang Matakot ang Puso (Love Affair Super Gasi Komiks Magasin, 1988) – ang mahirap at mayaman ay maaring magmahalan ngunit kailangan pa rin magpayaman ng mahirap para magkatuluyan sila at kahit iwan ang babae kapag binalikan ito ay dapat tanggapin niya.
  5. A Love Note for Olga (Secret Love Stories, 1988) – ang babae pa rin ang dapat maghabol.

*ang mga nasa itaas ay aking sariling opinyon mula sa teksto.

Bukod sa palaging ang mga babae ay naagrabyado sa mga drama/babasahin, sila rin ay nakikita bilang sex objects sa mga porno at bomba.

Noong Martial law ay sumikat ang mga bomba dahil sa ginagawa itong distraction ng awtoridad sa mga mamamayan, para di nila mapansin ang kabulastugan ng pamahalaan.

Well sa totoo lang ay hanggang ngayon, kahit na may MTRCB na, marami pa rin ang palihim (palihim nga ba?) na nanonood ng mga porno, at bilang isang babae, galit na galit talaga ako sa mga taong ganoon.

Naisip ko na…

Kahit na 21st century na ngayon, mala-kolonyal at piyudal pa rin ang sistema ng kultura dito sa bansa at dahil doon patriyarkal pa rin ang ating lipunan na para bang nag-ugat na ito sa ating kultura na napapasa nang napapasa.

Nakakalungkot, nakagugulat at nakakainis ngang isipin na kahit ang Grade 1 students ngayon ay alam na ang sex. Bakit kaya? Marami pa rin namang nagsasabing taboo pa rin ang sex dito sa bansa, eh bakit kahit bata ay alam ito? Nagtataka lang ako.

 

 

Ang mga Mali sa Media Ngayon.

Hindi ko alam kung nasabi ko nang isa akong BA Broadcasting student. Freshman. PUP. Bakit ba ako nag-broadcasting? Siguro kasi, gusto kong gumawa ng pelikula. Masyado na bang mataas ang pangarap ko kung sasabihin kong gusto kong manalo sa Cannes, Palme d’Or at Peabody?

Gusto ko talaga kasing magproduce ng pelikula na bago sa panlasa ng mga tao. Nakakaumay na kasi yung palaging napapanood natin. Puro na lang agawan ng asawa/jowa, Puro na lang mahirap na inapi na yumaman tapos naghiganti o kaya naman mahirap na inapi tapos siya pala ang tunay na anak ng mayaman na nagmamay-ari ng malaking kompanya…

Ayon sa sinulat ni Nicanor Tiongson na “Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang ‘Idolo’: Ang Apat na pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino,” may mga pagpapahalaga ang mga gumagawa ng shows dito na negatibo:

  1. Maganda ang mga mapuputi – sa totoo lang di lang naman ito sa TV makikita…
  2. Masaya ang may Palabas – masaya daw yung shows na inilalabas tayo sa realidad na mahirap ang buhay. Tinatakas baga tayo.
  3. Mabuti ang inaapi – isa sa mga nakakabwisit na programa. Nakakainis talaga yung feeling na sinasabunutan ka na lahat-lahat di ka pa rin lumalaban o nagtatanim ng sama ng loob na hindi naman nangyayari sa totoong buhay kasi mapalo ka lang tsinelas sa pwet, masama na loob mo.
  4. Maganda pa ang daigdig – yung bang ganda ng setup ng buhay ng mga bida nakakainis. Mahirap man sila sa umpisa… maghintay ka lang ng ilang linggo, yayaman din yan!

Bilang isang BA Broadcasting student, nais kong basagin yang apat na iyan. Gusto ko na maipakita sa mga tao na ang mga Pilipino ay kaya ring gumawa ng mga program at pelikula na makikipagsabayan sa ibang bansa.

Hindi naman sa sinasabi kong pangit ang mga mapuputi, ang sinasabi ko ay maganda rin naman ang mga kayumanggi. Hindi naman sa sinasabi kong dapat puro mga programang nagpapakita ng mga negative lang ang ipalabas, punto ko lang dapat mas maging realistic. Hindi naman sa sinasabi kong kapag may umaway sa inyo, gantihan niyo… ang akin lang naman ay HINDI NAMAN GANYAN KA-WAR FREAK ANG MGA PILIPINO PARA MAGSABUNUTAN SILA SA ESCALATOR!!! At, hindi naman sa sinasabi kong pangit na ang mundo, ang akin lang ay hindi naman ito sobrang pangit at wala nang pag-asa kaya sana realistic naman tayo kahit papaano. Okay naman yung success stories pero wag naman yung yayaman siya dahil lang ganyan-ganyan eh ang hirap na kumita ng pera ngayon.

Pero, (wala na sa topic pero gusto ko lang sabihin)

Kailangan rin kasi ng suporta na mga filmmakers natin ngayon. Alam niyo ba na ang highest-grossing film dito sa bansa ay isang foreign movie?! Bakit sa Korea ang highest-grossing film nila ay isang historical movie??? Tayo bang mga Pilipino ay hindi kayang gawin yon???

BLOG BLOG BLOG BLOG BLOG

Bago pa man ako pumasok ng college, may blog na ako.

Siguro, mga isang taon na akong may blog at dalawa pa nga ang blog ko; isa sa blogger, isa sa WordPress (itong gamit ko ngayon). Kung ano-ano lang naman pinagsusulat ko eh hahaha, buhay, boredom atbp. Hindi ako sikat syempre, alam ko nga na wala akong readers eh… still, wala naman akong pake.

Noong una, para sa akin, fun-fun lang ang blogging. Hindi ko inaasahan na may ilang tao pala ang nakakita na may potensyal ang blogging para makapagsimula ng pagbabago at pakikibaka.

Blog ang Mundo: Pagsasalsal  at Pakikibaka sa Internet ni U Z. Eliserio

Sasabihin ko na lang ang mga natandaan ko mula sa mga nag-report last Friday.

Noon daw, ang web blog ay parang Google lang (nasa isip ko lang yan, di yan galing sa reporter), inipon daw nito ang iba’t ibang sites na may pare-parehong subject. Pero, syempre, nage-evolve ang mga bagay, nagkaroon na ng blog kung saan maaring isulat ang kung ano man ang gustong sabihin ng user.

Madalas daw masabi na ang blog ay online diary pero kapag diary daw di ba, pansarili lang? Eh, kapag blog di ba mababasa ng iba?

So, may pinakilala si Mr. Eliserio, si Michael Andrada. Si Michael Andrada daw ay isang aktibistang blogger. Nagbigay pa siya ng mga halimbawa ng isang online experiment na ginawa ni Mr. Andrada kung saan nagawa niyang mapalahok ang mga estudyante niya/readers.

So, ito na nga…

Dati, hinulaan ni Eliserio na maaring magamit ang internet upang maging daan ng mga tao na maipahatid ang kanilang saloobin. Maari rin itong maging paraan ng mga tao upang makaambag at makialam sa mga isyu ng bayan.

Ngunit, sa panahon ngayon, kung magbubukas ka ng Facebook, pag nagbasa ka ng comments, puro pambabash makikita mo. Ganon din sa Twitter. Kung minsan puro hatred naman, fake news, toxic na!

Paano yon nakatulong???

Naalala ko nga may nabasa akong hate comment… as in hate talaga siya, nakakainis pa don ay isang inosenteng bata yung target nila, eh di sumagot ako pero syempre yung malumanay lang na pagpapaliwanag yung ginawa ko. Alam niyo ba ginawa??? Sumagot pa na eh kahit naman ibash niya daw yung baby, di naman daw mababasa ng baby yung sinasabi niya!!! May gumatong pa, ang sabi naman non, eh sinasabi lang naman daw nila yung nakikita nila!!! Ewan ko ba kung paano sila naging ganon ka-immature?! Bwisit!

 

Ang Werpa ng Wika!

Super late na ng post na ito haysss… may lagnat kasi ako nung araw na na-discuss ito so nag-half-class na lang ako (Half-class daw???). So opinyon ko na lang ito about sa teksto.

Natatandaan ko, nabasa ko na itong “Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan” ni Conrado de Quiros noong Grade 7 ako. Wala lang, skl.

Ang “Say” ko

Marami ang nag-iisip na ang English ang daan sa kaunlaran kaya naman dapat nating palakasin ang English upang umunlad ang bansa ngunit mapapatunayan ng Thailand na mali ito. Ang mga Thai ay hindi naman magaling mag-English pero progresibo ang bansa nila.

Nang sakupin tayo ng mga Espanyol, hindi nila itinuro sa atin ang kanilang wika ngunit naging iba ang atake ng mga Amerikano nang sakupin nila tayo; itinuro nila at pinalaganap ang English dito sa bansa. Kaya hindi lang naging kasangkapan ang English ng komunikasyon kundi ng kolonisasyon din.

Hindi kailanman magiging batayan ng pag-unlad ang English ngunit marami ang yumayakap dito para maramdamang mas makapangyarihan sila. Kung mapansin nga raw natin, ang mayaman ay malamang English movies ang pinapanood at ang mga mahihirap naman daw ay Filipino.

Kung mapapansin nga eh, ito pa ang ginagawang batayan ng class ng marami. Kapag magaling ka sa English, mataas ka kaya nga daw ang mayayaman nag-iingles, ang mga artista, nag-iingles.

Kaya, ang wika na sana ay nagiging paraan ng komunikasyon ay nagiging sanhi pa ng kawalan ng komunikasyon. Ito ang nagiging dahilan ng pagiging pagkakahiwalay.

Tayo kasing mga Pilipino, masyadong tayong palamon. Gusto kasi natin, mukhang tayong classy kaya kahit mali-mali na grammar, kahit na imbento na lang at mema. Pero nalilimutan natin na, hindi ang English ang wika natin. Nakakalungkot ngang isipin na ang mga dyaryo at magazines dito sa Pilipinas ay nasa wikang English. Wala bang makakaisip na hindi lang naman sina Henry Sy at Lucio Tan ang nagbabasa ng dyaryo kaya maglalathala din sila ng Filipino na broadsheet?

Hindi ko sinasabing i-wipe out na ang English dito, gusto ko lang naman na maging pantay ang pagtingin sa English at Filipino. Yung sana, wag tingnan na mas mababa ang isa at mas mataas ang isa.

Yan na muna. Babay.